-- Advertisements --

TACLOBAN CITY – Patay ang isang kapitan matapos itong barilin sa interior ng barangay sa San Antonio, Hilongos Leyte.

Kinilala ang bikima na si Kapitan Virgilio Lucyas, residente ng naturang lugar.

Ayon kay Lt. Col. Roberto Oba-ob, station commander ng 78th Infantry Battalion, batay sa kanilang inisyal na imbestigasyon ay nangingisda ang biktima kasama ang kaniyang hipag at bayaw nang bigla na lamang lumapit ang aabot sa tatlong armadong kalalakihan na may bitbit na mga M16.

Tinanong naman nila nito kung sino si kapitan at matapos nito ay biglang na lamang na binaril ito.

Nagtamo ng maraming tama ng bala sa katawan ang biktima.

Batay sa pamilya, hindi naman nakatanggap ng death threat ang punong barangay at wala rin itong kaaway sa kanilang lugar.

Naniniwala ang mga otoridad na posibleng miyembro ng New People’s Army (NPA) ang nasa likod ng pagpaslang sa kapitan.