DAGUPAN CITY – Kaagad namatay ang isang barangay chairman matapos barilin sa loob ng kanyang bahay sa Barangay Palayan City, Nueva Ecija.

Kinilala ang biktima na si Veatu Pascua, 54-anyos na taga-Barangay Ganaderia, Palayan City sa nasabing lalawigan.

Ayon sa kanyang asawa, pumasok sa gate ng bahay ang suspek na nakatakip ang mukha at bumati pa ng “magandang umaga” bago barilin ang biktima.

Wala naman umanong alam ang mga kaanak ng biktima na kaaway ng punong barangay dahil mabuting tao ito.

Nakuha sa crime scene ang tatlong basyo ng bala at isang slug mula sa 9mm na baril.

Samantala, naaresto na ng mga otoridad ang mismong gunman sa isang subdivision sa Nueva Ecija sa tulong ng ilang saksi.

Natukoy ang suspek na si Carlito Reyes alyas Junjun, 35-anyos ma residente ng Barangay Pula, Talavera sa Nueva Ecija.