-- Advertisements --

DAVAO CITY – Naglaan ngayon ng isang milyon peso ang lokal na pamahalaan ng Digos sa makapagturo kung sino ang nasa likod ng pamamaril patay sa isang Barangay Kapitan sa San Jose Digos kahapon na nakilalang si Angelito Zamora Balasbas, 50-anyos.

Sa inisyal na imbestigasyon ng otoridad, sakay lamang sa kanyang SUV ang biktima at pagdating nito sa Purok Jakosalem Barangay San Jose, Digos City bigla na lamang na dumating ang suspek sakay sa motorsiklo at pinagbabaril ang biktima sa loob ng ilang beses.

Matapos ang krimen. Agad na tumakas ang suspek sa hindi malaman na direksiyon.

Isinugod pa ang biktima sa ospital ngunit ideneklara itong dead on arrival ng mga doktor.

Iniimbestigahan pa ngayon ng otoridad ang motibo ng krimen at inaalam rin ngayon kung may kaugnayan sa politika ang pagpatay sa biktima.

Umaasa ang supporters at kamag-anak ng Barangay Kapitan na makamit agad nila ang hustisya sa pagkamatay nito.