-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY-Patuloy pang iniimbestigahan ng mga otoridad ang nangyaring pamamaril sa isang Brgy Kagawad sa Purok 1, Brgy Minsalirac, Quezon Bukidnon.

Kinilala ang biktima na si Brgy Minsalirac Kag. Renato Etulle, 51-anyos at residente sa nasabing lugar.

Sinabi ni Quezon Municipal Police Station Commander Major Mitchel Clemencio na mag-isa lamang ang biktima sa kanyang bahay nang biglang pinasok ng hindi pa nakikilalang suspek at pinagbabaril gamit ang kalibre 45.

Aniya posible umanong mayroong malaking galit ang suspek dahil sa 6 na balang ibinaon sa katawan ng biktima na nagresulta sa agarang kamatayan nito.

Dagdag pa ni Major Clemencio na iniimbestigahan din nila ang pagiging aktibo ni Kag. Etulle sa mga rally laban sa gobyerno bago maging opisyal ng Barangay.

-- Advertisement --