-- Advertisements --

Pinaghahandaan na ng Brgy Ginebra ang posibleng pagbabalik ng shooting prowess ng TNT Tropang Giga sa susunod ng paghaharap nila para sa Game 2 ng nagpapatuloy na Governor’s Cup.

Maalalang tinalo ng Brgy Ginebra ang TNT sa unang game ng Governor’s Cup sa score na 102-90. Ayon kay Ginebra head coach Tim Cone, ang nasabing panalo ay naging posible dahil na rin sa inalat ang TNT sa labang iyon.

Umabot lamang kasi noon sa siyam na three pointers ang naipasok ng TNT mula sa 35 na attempt, o 25% 3-pt field goals lamang.

Tiwala si Cone na babalik na ang dating shooting prowess ng TNT sa Game 2, dahil sa adjustment na ginawa ng koponan, matapos ang naunang laban.

Matatandaang ang TNT ay isa sa mga kinatatakutang team sa PBA dahil sa kanilang magandang performance kung saan nasa 47.7% ang overall shooting accuracy nito at 37.8% mula sa 3-point line.

Gaganapin naman bukas ang Game 2 sa pagitan ng dalawang team, 5:45 ng hapon, sa Smart Araneta Coliseum.