Pinatay ng mga pulis sa hilagang-silangan ng Brazilian state ng Bahia ang dalawang lalaking pinaghihinalaang sangkot sa pagpatay sa siyam na tao sa bayan ng Mata de Sao Joao, habang ang isa pang suspek ay arestado, ayon yan sa state security office.
Natagpuan ang sunog na labi ng siyam na tao sa loob ng dalawang bahay sa Mata de Sao Joao.
Ayon sa pulisya, tatlo sa mga biktima ay mga bata at patuloy pa rin silang nag-iimbestiga kung ano ang nagbunsod sa masaker.
Ang malagim na insidente ay ang pinakabago matapos ang sunud-sunod na drug gang violence na bumalot sa estado ng Bahia nitong mga nakaraang taon.
Ang mga naturang salarin ay natagpuan ng security forces sa isang kagubatan ng lungsod, kung saan sila ay tila nagtatago, ayon sa security office. Sumiklab ang putukan nang matagpuan sila ng mga pulis.
Nasamsam naman sa mga suspek ang dalawang pistola, bala, radio communicators at droga.