-- Advertisements --

Itinakbo sa pagamutan si Brazilian football legend Pele.

Ayon sa anak nito ng si Kely Nascimento na patuloy ang paggaling ng ama sa Albert Einstein Hospital sa Sao Paolo.

Unang naiulat kasi na nagkaroon ng “general swelling” ang 82-anyos na football legend na itinanggi naman ng anak nito.

Noong Setyembre 2021 kasi ay tinanggalan ng tumor sa kaniyang colon at mula noon ay regular na itong bumibisita sa pagamutan.

Si Pele ay all-time leading scorer ng Brazil na nagtala ng 77 goals sa loob ng 92 na laro nito.

Kabilang siya sa apat na manlalaro na nakapag-goal sa apat na World Cup tournaments.