Nagtamo ng pinsala ang isa sa mga brand new attack aircraft ng Philippine Air Force (PAF) kasunod na isinagawang routine flight, na kasalukuyan ay non-operational muna.
Ang eroplano, na isang A-29B Super Tucano, ay pinalipad ng isang Brazilian pilot ng plane manufacturer na Embraer para sa equipment check.
Pasahero sa naturang eroplano nang mangyari ang insidente ang wing commander ng 15th Strike Wing ng PAF.
Sa isang statement ng PAF, natukoy na naroon ang commander ng 15th Strike Wing para mag-obserba sa performance at flight characteristics ng eroplano.
Ayon sa PAF, bigo ang Brazilian pilot na makapag-initiate ng go-around at bigo ring makapag-land ng wasto.
Subalit hindi naman sinabi ng PAF kung kailan nangyari ang aksindente.
Gayunman, ang pinsalang tinamo ng naturang eroplano ay maari naman anilang maayos pa.
Gagamitin ulit ito sa lalong madaling panahon, at ang Embraer na ang siyang sasagot sa gagastusin sa pagkumpuni sa mga sira ng eroplano.