-- Advertisements --

Ilang araw lamang matapos ang NBA finals, naisapinal na ang isa sa pinakamalaking trade deals sa NBA ngayong taon.

Ito ay matapos ang pag-trade ng Phoenix Suns kay Chris Paul, papuntang Washington Wizards, kapalit ng mas batang point guard na si Bradley Beal.

Bahagi ng nasabing deal ang ilang NBA draft picks, kasama na ang nba guard na si Landry Shamet. Gayonpaman, wala pang pinal na detalye ukol sa mga draft picks at swap na gagawin, kaugnay nito.

Sa kasalukuyan, si Beal ay 29 y/o at makakasama sina NBA superstar Kevin Durant at Devin Booker sa Suns.

Nakapaglaro na ito ng 11 seasons at may average na 22.1ppg, 2.3 spg, 1.0 rpg, at 1.0 spg.

Sa loob ng pamumuno ni Beal, nagawa niyang maipasok ang Wizards sa playoffs ng limang beses simula 2012 ngunit hindi na umusad pa mula dito.

Samantala, ang 12-time NBA all star guard na si Chris Paul ay nagposte ng 17.9ppg, 9.5apg, at 4.5rpg, kasama na ang 2.1spg, sa loob ng 18 season na paglalaro.