-- Advertisements --

Humingi pa ng dagdag na pang-unawa ang Bank of the Philippine Islands (BPI) sa kanilang mga kliyente na naapektuhan ng duplicate transaction.

Ayon sa nasabing banko na kanila ng naresolba ang problema dakong ala-6:31 ng gabi ng Miyerkules.

Subalit paliwanag nila na maaaring makaranas ang mga kliyente nila ng hirap na ma-access ang account dahil sa pagkakaroon ng trapik sa mga nag-oopen ng apps.

Pagtitiyak nila na ligtas ang kanilang mga account.

Magugunitang inulan ng reklamo ang nasabing bangko matapos na madiskubre ng ilang mga kliyente nila na nag-doble ang mga isinagawa nilang mga transaksyons.