boxing women sea games

Kinakabahan umano ngayon ang kagay-anon boxer na si Carlo Paalam sa laban niya bukas sa gold medal match sa PICC sa Pasay City.

Sabi ni Carlo sa Bombo Radyo, normal lang daw sa isang atleta na kakabahan, pero kahit kabado ay handang handa na siya bukas sa kanyang laban
dahil sa ginawa nilang preparasyon at pagpakondisyon kasama ang kanyang coach na si Elmer Pamisa.

Dagdag pa nito, hinihikayat niya ang lahat ng kababayan niya na sumuporta sa kanilang laban at ipagdasal na sana ay magtagumpay sila at makuha ang inasam asam na gold medal sa boxing.

Kung maalala ay dati nang sinabi ni Josie Gabuco na lalaban din bukas sa women’s light flyweight ay “patay kung patay” at talagang ibubuhos na niya lahat ang kanyang lakas dahil nga ay abot kamay na nila ang tagumpay.

Mahaba habang panahon din daw ang kanilang ginawang preparasyo para umabot sa ganitong pagkakataon.

Samantala kung sakaling manalo si Carlo sa kanyang laban ay may hinahandang pagpupugay ang LGU CDO sa pagdating mula sa SEA Games.

Ito ang tiniyak ng city administrator ng CDO na si Teddy Sabugaa. (Report by Bombo Jerome Dixie Bacud)