-- Advertisements --

Nakakuha ng ikalawang gintong medalya ang bowling team ng bansa sa nagpapatuloy na 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam.

Nagtala ng kabuuang 5,275 pinfalls matapos ang anim na frames sina Patrick Nuqui, Ian Dychangco, Ivan Malig, at Merwin Tan.

Nahigitan ang mga kalaban kung saan nakakuha ng silver ang Malaysia habang bronze medal naman ang nakuha ng Singapore.

Sinabi ni Nuqui na malaking tulong sa kanilang panalo ang paglahok nila noong sa world championships sa Dubai bukod pa sa mahabang paghahanda na kanilang isinagawa para sa SEA Games.