-- Advertisements --

Maaring hindi umano makalaro si Boston Celtics guard Marcus Smart sa Game 1 ng Eastern Conference finals laban sa Miami Heat bukas dahil sa right midfoot sprain.

Kinumpirma ni coach Ime Udoka na sumailalim na si Smart sa MRI sa kanyang paa at lumabas na maayos naman ito.

Muli naman itong sasailaim sa pagsusuri sa susunod na araw.

Una rito, nakuha umano ni Smart ang injury nang bumagsak siya kay Milwaukee Bucks star Giannis Antetokounmpo noong Game 7 sa panalo ng Boston.

Sa kabila nito, kumpiyansa ang Celtics sa kakayahan ng team sa laban nila sa Miami.