Sinuspinde ang Boston Celtics head coach na si Ime Udoka sa buong 2022-2023 NBA season dahil sa vioaltions of team policies.
Ang 45-year old Nigerian-American head coach ay sinasabing nagkaroon umano ng consensual relationship sa miyembro ng Celtics staff na isang pagsuway sa code of conduct ng nasabing koponan.
Dagdag dito, hindi na inisa-isa ng Celtics ang mga nalabag ni Udoka na rules and policies ng team.
Ang assistant coach na si Joe Mazzulla muna ang papalit bilang interim coach ng Boston sa darating 2022-2023 campaign.
Ayon naman sa pahayag ni Udoka, tinatanggap daw niya ang parusa at humihingi siya ng tawad sa lahat ng players, fans at sa buong Celtics sa kanilang pagkadismaya sa nagawa niya umanong pagkakamali. (with reports from Bombo Allaiza Eclarinal)