Magpapatupad ng mas mahigpit na border control ang Baguio City at mga katabing bayan nito bago matapos ang linggong ito.
Ang naturang hakbang ay upang kontrolin umano ang lalo pang pagtaas ng naitatalang COVID-19 cases sa naturang lungsod.
Ayon kay Baguio City Mayor Benjamin Magalong, noong Disyembre 4 pa nag-expire ang border control para sa Baguio subalit nakiusap aniya ito sa mga karatig na alkalde na magpatupad din ng border control sa kani-kanilang mga nasasakupan.
Tatagal ng 14 na araw ang ipapatupad na border control para mapababa ang kaso ng deadly virus dahil inaasahan na umano ng Baguio City na posibleng tumaas ito lalo na’t nalalapit na ang holiday season.
Sa ngayon ay mayroong 301 active cases ng COVID-19 ang Baguio na nanggaling daw sa mga karatig bayan.
Dagdag a ng alakalde, hindi raw lumalabas sa kanilang link analysis na galing sa mga turista ang coronavirus infections.
Nakatakda naman na dagdagan ang isolation facilities sa nasabing lungosd bilang paghahanda na rin sa post-holiday surge.