-- Advertisements --

Mahigpit na boarder control ipinatupad saTacurong City sa naiulat na unang kaso ng covid-19 delta variant; publiko, nangangamba

KORONADAL CITY – Nangangamba sa ngayon ang lungsod ng Tacurong,Sultan Kudarat matapos na pumutok ang balita na nakapagtala diumano ng pinakaunang kaso ng Delta variant ang lungsod.

Ito ang binigyang linaw ni Marlou Buenacosa,Epidemiology and Surviellance Unit Coordinator ng Tacurong sa panayam ng Bombo Radyo Koronadal.

Ayon sa opisyal, nakatanggap ang kanilang tanggapan ni isang report ng pinakaunang kaso ng Delta variant ng Covid-19 subalit beniberipika pa sa ngayon nila ang naturang balita at hininintay pa nila umano ang kumpermasyon ng Department Of Health Region-12 sa nasabing impormasyon.

Samantala kasalukuyan namang minomonitor ng Epidemiology Surveillance Unit ng Tacurong ang isang sa mga nagpositibo sa Covid-19 sa kanilang lungsod kahit walang travel history at halos isang buwan nang gumaling sa nasabing karamdaman na ugat ng nasabing unverified na impormasyon para masiguro ang ipapalabas na report ng kanilang tanggapan sa boung lungsod ng Tacurong.

Kasabay nito hinigpitan din ang boarder control sa sa nabanggit na lungsod dahil sa pangamba ng mga residente.

Sa ngayon,mahigpit na nagpaalala ang opisyal na maging maingat sa pagpapalabas ng mga maling balita na nagiging sanhi ng pagkalito ng mga tao.