-- Advertisements --

GENERAL SANTOS CITY – Binuksan na muli ang itinuturing na Boracay sa Mindanao na makikita sa Glan, Sarangani, ang nag-iisang white sand beach sa buong Mindanao.

Ito’y matapos inanunsyo ni Mayor Vivien Yap na paraan ito para matulungan ang nanamlay na ekonomiya dahil sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).

Dagdag ni Yap na nagpatupad ng “slow dry run” sa nagdaang linggo para makita ang epekto matapos pulungin ang mga beach operator.

Samantala, humingi ng paumanhin ang alkalde sa mga sabik nang maligo sa beach dahil ang pinapayagan muna na makapasok sa lugar ay ang mga residente mula sa General Santos at pitong bayan ng Sarangani dahil patuloy pa ang pagkalat ng COVID-19.

Kaugnay nito, lahat ng mga kustomer ay dadaan sa booking process para mamonitor ang pagpasok sa lugar at istrikto rin na pinatupad ang pagsuot ng facermask, social distancing at iba pang protocol.

-- Advertisement --

Ang Gumasa beach ay tampok sa pinakamalaking Sarangani Bay festival na dinarayo ng mahigit 100,000 turista.