-- Advertisements --
Tiniyak ni Phoenix Suns star Devin Booker na babaguhin niya ang kaniyang performance sa Game 4 ng NBA Finals laban sa Milwaukee Bucks.
Ito ay matapos na makapagtala lamang siya ng 10 points na mayroong 3 out of 14 shooting noong Game 3 nang talunin sila ng Bucks 120-100.
Maging si Bucks coach Mike Budenholzer ay napansin nito ang mahina ang kaniyang shooting dahil mas nag-improve naman ang kaniyang depensa.
Dagdag pa ng Bucks coach, kanilang pinaghahandaan ang Game 4 na tiyak na babawi ang Suns star player.
Nauna nang pinapahinga ni Suns coach Monty Williams si Booker noong 4th quarter dahil sa mahinang performance nito.
Magugunitang hawak ng Suns ang kalamangan 2-1 kontra Bucks kung saan gaganapin sa araw ng Huwebes ang Game 4.