-- Advertisements --

Inamin ng malapit sa pangulo na si Sen. Bong Go na hindi dumaan kay Presidente Rodrigo Duterte ang impormasyon tungkol sa pagkakalaya ng halos 2,000 kriminal na sinintensyahan dahil sa mga karumal-dumal na krimen.

Tiniyak ni Go na pananagutin ng pangulo ang sino mang mga opisyal na nabigong idaan sa Malacanang ang impormasyon.

“Hindi dumaan kay Pangulo ‘yan. Anong gagawin ni Presidente? Papasagutin niya ang dinaanan,” ani Go habang nasa China.

Una ng sinabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na dapat ibalik sa kulungan ang mga kriminal na sinintensyahan dahil sa heinous crimes.

Malinaw daw kasi na hindi sakop ng GCTA Law ang mga kriminal na tumakas, nagbalik kulungan dahil sa parehong kaso at convicted sa mga karumal-dumal na krimen gaya ng rape at murder.