-- Advertisements --

Nanawagan si Senator Christopher Lawrence “Bong” Go sa publiko ng ipagdasal ang dating Executive Secretary na si Salvador Medialdea matapos itong maospital at nakatakdang sumailalim sa isang medical procedure.  

Ayon sa senador, isasagawa ang procedure kay Medialdea kinabukasan,  dahilan upang hilingin niya ang sama-samang panalangin para sa matagumpay nitong resulta. 

Nauna rito, sinabi ni Go na nakaramdam ng hindi magandang pakiramdam si Medialdea habang nagbibigay ng mensahe sa isang solidarity walk sa Davao City bilang pagdiriwang ng ika-81 kaarawaan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte noong Marso 28. 

Dahil dito, hindi natapos ni Medialdea ang kanyang talumpati at agad na dinala sa ospital.

Si Medialdea ay nagsilbing dating Executive Secretary sa ilalim ng administrasyong Duterte kung saan dating Presidential aide si Go. Kasalukuyan rin siyang kabilang sa legal team ng dating Pangulo, na nakadetine ngayon sa The Hague kaugnay ng kinakaharap na crimes against humanity  sa international court.