ILOILO CITY – Binigyan ng pagkilala ng Sangguniang Panlalawigan sa Iloilo ang Bombo Lifestyle ng Bombo Radyo Iloilo matapos nanalo bilang best public service program sa 27th Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP) Golden Dove Awards.
Isinagawa ang nasabing pagkilala sa pamamagitan ng resolusyon na inihain ni Iloilo 4th District Board Member Rolando Distura.
Sa panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Distura, sinabi nito na isang malaking karangalan para sa lalawigan at sa mga tagapakinig ng Bombo Radyo ang pagwawagi ng Bombo Lifestyle kung saan ang host ay si Bombo Ian Gajete.
Ayon kay Distura, kinilala ng Sangguniang Panlalawigan ang mga nagawa ng Bombo Lifestyle ng Bombo Radyo Iloilo kung saan tinatalakay ang samu’t-saring paksa kaugnay sa iba’t-ibang buhay at kagawian ng mga Ilonggo.
Napag-alaman na kinilala rin bilang Best Educational Program sa Catholic Mass Awards noong 2017 ang Bombo Lifestyle ng Bombo Radyo Iloilo.