TACLOBAN CITY – Kinilala ang programa ng Bombo Radyo Tacloban ng isang award giving body sa Eastern Visayas.

-- Advertisement --

Sa isinagawang 1st awards ceremony ng Eastern Visayas Media Without Borders kagabi, hinirang bilang Best Commentary Program of the Year ang Bombo Hanay Bigtime.

Ayon kay Miriam Desacada, presidente ng Eastern Visayas Media Without Borders, ang naturang awards night ay pagkilala sa kontribusyon na ibinabahagi ng media practioners sa Eastern Visayas.

Napag-alaman na nominado rin ang ilang programa at indibidwal ng Bombo Radyo Tacloban sa iba’t ibang kategorya sa seremonya.