-- Advertisements --

Umabot pa ng Overtime para tuluyang talunin ng Meralco Bolts ang Converge FiberXers 132-129 sa paghaharap ng PBA Governors’ Cup sa Araneta Coliseum.

Nanguna na panalo ng Bolts si KJ McDaniels na nagtala ng 33 points, 12 rebounds at tatlong assists habang mayroong 28 points, walong rebounds at limang assists si Aaron Black.

Hawak pa ng FiberXers ang kalamagan sa 18 points ay nahabol ito ng mga Bolts.

Ang panalo ng Bolts tila pagpapahiya sa muling pagbabalik sa basketball ni Danny Ildefonso sa Converge.

Parehas na mayroong anim na panalo at apat na talo ang dalawang koponan.