-- Advertisements --
Naitabla ng Meralco Bolts sa 1-1 ang best of five semifinals nila ng Magnolia Hotshots 81-75 sa nagpapatuloy na PBA Governor’s Cup sa Mall of Asia Arena.
Sinabi ni Bolts coach Norman Black na kanilang pinag-igihan ang depensa kaya hindi nagawa nilang talunin ang Hot Shots.
Bumida sa panalo ng Bolts ang kanilang import na si Tony Bishop Jr na natala ng 22 points na mayroong 14 rebounds.
Nag-ambag naman ng 18 points si Chris Newsome habang mayroong 14 points naman si Aaron Black.
Tiniyak naman ni Black na kanilang paghahandaan ang susunod na mga laro dahil tiyak na babawi ang Magnolia.










