-- Advertisements --
Umabot pa sa overtime para tuluyang makapasok sa semifinals ng PBA Governors’ Cup ang Meralco Bolts ng talunin nila ang Magnolia Hotshots 113-107.
Bumida sa panalo ng Bolts si Chris Newsome na nagtala ng 33 points, 11 rebounds at pitong assists habang mayroong 27 points si KJ McDaniels at nag-ambag ng 16 points si Aaron Black.
Sinabi ni Bolts coach Norman Black na ang sekreto nila ay ang pagkakaroon ng magandang ball movement kung saan mayroong kabuuang 23 assists sila kumpara sa Magnolia na mayroong 12 lamang.
Nasayang naman ang nagawang 22 points ni Paul Lee at 21 points ni Antonio Hester.