-- Advertisements --
Nakuha ng Meralco Bolts ang unang panalo laban sa Barangay Ginebra 104-91 sa Game 1 ng PBA Governors’ Cup Finals.
Mula sa simula pa lamang laro ay mabilis na nag-init ang Bolts kung saan umabot pa sa 21 points ang kanilang naging kalamangan.
Nanguna sa panalo ng Bolts si Allein Maliksi na nagtala ng 22 points habang si Bolts import na si Tony Bishop Jr ay mayroong 20 points at 12 rebound at mayroong 17 points si Cliff Hodge.
Nasayang naman ang ginawang 27 points ni Ginebra import Justin Brownlee at 20 points naman ni Christian Standhardinger.
Magugunitang ito na ang pang-apat na paghaharap ng dalawang koponan sa Finals.