-- Advertisements --
Pinalawig pa ng Meralco Bolts ang kanilang panalo sa tatlo matapos talunin ang Talk ‘N Text 97-91 sa nagpapatuloy na PBA Commissioner’s Cup.
Bumida sa panalo si Bolts import KJ McDaniels na nagtala ng 26 points, 15 rebounds at apat na assists sa laro na ginanap sa Araneta Coliseum.
Nag-ambag naman ng 21 points, 11 rebounds at 4 blocks si Raymond Almazan.
Napalapit pa ng TNT ang puntos 90-88 subalit napabayaan nila si Almazan tuluyang umarangkada ang puntos.
Nasayang ang ginawang 25 points at 20 rebounds ni TNT import Cameron Oliver at 20 points ni Mikey Williams.
Kapwa mayroong apat na panalo at limang talo ang Bolts at TNT.