Pasok na sa finals ng PBA Governors’ Cup ang Meralco Bolts.
Ito ay matapos na talunin ang Magnolia Hothsots 94-81 sa game five.
Bumida sa panalo ng Bolts si Allein Maliksi na nagtala ng 24 points habang mayroong 18 points si Raymond Almazan at 17 points si Chris Newsome.
Nasayang naman ang nagawang 21 points ni Calvin Abueva para sa Magnolia.
Naging malaking hamon sa Magnolia ang laro dahil sa hindi naging maganda ang pagbagsak ng kanilang import na si MIke Harris na agad na isinakay sa wheelchair at nilagyan ng oxygen tank para makahinga.
Dahil sa panalo ay makakaharap na nila ang Barangay Ginebra sa finals.
Sa tatlong beses kasi na paghaharap ng Bolts sa Ginebra sa finals ng Governors’ Cup ay hindi pa sila nagwawagi.
Magsisimula ang game 1 sa Abril 6.