-- Advertisements --

Ibinulgar ni dating US national security advisor John Bolton na inutusan nito ang bansang Japan para magbayad ng $8-billion kada taon sa Estados Unidos.

Ito’y bilang kabayaran umano ng nasabing sa bansa sa paglilingkod ng US military troops.

Ang rebelasyon na ito ay isiniwalat ni Bolton sa kaniyang bagong libro na pinamagatang “The Room Where It Happened: A White House Memoir.”

Nakasaad dito na noong nagpunta ito sa Japan noong July 2019 ay sinabi nito kay Yachi Shotaro, dating nangangasiwa sa National Security Secretariat ng Japan, ang naturang kahilingan ni Trump.

Ipinarating din ni Bolton sa South Korea ang hiling ni Trump na magbayad ng $5-billionb bilang suporta sa host-nation.

“The way to get the 8 billion and 5 billion dollars annual payments, respectively, was to threaten to withdraw all US forces,” saad pa ni Bolton.

Subalit mariin namang itinanggi ng Japanese government na natanggap nito ang request ng Republican president. Inaasahan na tatalakayin ng dalawang panig ang nasabing paksa ngayong taon.