Screenshot 2019 05 10 17 59 38
IMAGE | Mayor Tita Baja-Gallentes

Dumepensa ang alkalde ng Garcia Hernandez sa Bohol kasunod ng pinag-uusapan na namang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na handa nitong hubarin ang panty ng local chief executive.

Sa isang panayam sinabi ni Mayor Tita Baja-Gallentes, malinaw na nagbibiro lang ang pangulo nang sabihin nito na gusto niyang tumakas palayo kasama ang alkalde.

Bukod dito, sinabi rin kasi ni Duterte na handa niyang hawakan ang underwear ni Gallentes para lang hindi ito makawala.

Pero para sa mayor, wala siyang nakikitang maling interpretasyon sa pahayag ng pangulo.

Para kay Gallentes, hindi na siya madaling maapektuhan sa mga pahayag at biro bilang 15-taon na rin daw itong naglilingkod sa publiko.

Kung maaalala, binitiwan ni Duterte ang pahayag sa gitna ng campaign rally sa Bohol.

Nauna na ring sinabi ng Malacanang na nagbibiro lang ang pangulo nang bitiwan ang naturang pahayag.