-- Advertisements --
image 323

Idineklara ng united Nations Educational, Scientific and Cultural Organization (UNESCO) ang isla ng Bohol bilang kauna-unahan at natatanging global geopark sa Pilipinas.

Ginawa ng UNESCO ang naturang deklarasyon sa idinaos na ika-216 UNESCO Executive Board Session sa Paris, France noong Mayo 24.

Inihayag naman ni Governor Aris Aumentado na isang malaking karangalan sa kanilang probinsiya na maideklara bilang gobal geopark sa Pilipinas.

Ang Bohol ay isa sa 18 bagong Unesco Global geopark.

Binigyang diin ng Unesco ang karstic geosites ng Bohol gaya ng mga kweba, sinkholes at cone karst kabolang ang tanyag na cone-shaped na Chocolate hills na nasa sentro ng goepark.

Kinilala din ng Unesco ang Danajon Double Barrier Reef na isa sa pambihirang geological formation sa Southeast Asia at isa sa anim na dokumentadong double barrier reefs sa buong mundo.