-- Advertisements --

Umaasa ang opera singer na si Andrea Bocelli na ang kaniyang boses ay magdulot ng pag-asa sa buong mundo sa nararanasang krisis dulot ng coronavirus.

Nasa il Duomo di Milano, ang kilalang cathedral sa Italy, para sa concert na nai-livestream.

Ang Easter event na tinawag na “Music for Hope” ay bilang pagbibigay ng pag-asa ng singer sa lugar na may matinding tinamaan ng virus.

Kasama niya ang pianist na si Emanuele Vlanelli ay kinanta nito ang “Ava Maria” at “Amazing Grace”.

Sinabi nito na ang pagkanta ay tila pagdarasal ng dalawang beses na nag-eenganyo sa mga tao na makisabay sa kaniya.