-- Advertisements --
image 195

Inihayag ng Bureau of Customs (BOC) na nakatanggap ito ng “unqualified opinion” sa mga financial statement nito para sa 2022 mula sa mga state auditor.

Sa isang pahayag, sinabi ng BOC na ang audit opinion mula sa Commission on Audit (COA) ay nagpapahiwatig ng malakas na internal control at pagtiyak ng katumpakan at integridad ng mga financial statement.

Ayon sa nasabing kawanihan, ang pagkilalang ito ay nagpapakita ng ganap na pagsunod ng BOC sa International Public Sector Accounting Standards.

Sinabi ni Customs Commissioner Bienvenido Rubio na pagkatapos ng mahigit dalawang dekada, nakilala ang BOC para sa mahigpit na pagsunod sa mga regulasyon at patakaran ng COA.

Dagdag niya, partikular na pagkilala ang ibinigay sa Accounting Division ng Internal Administration Group (IAG), Revenue Accounting Division ng Revenue Collection Monitoring Group (RCMG), at Collection Districts para sa kanilang masigasig na trabaho.

Kinilala rin ni Rubio ang Observation Memoranda at audit findings ng COA, na nagbigay ng mahalagang gabay at nagsilbing paalala sa responsibilidad ng BOC para sa wastong pamamahala ng mga public funds and resources ng bansa.