-- Advertisements --

Ipinagmalaki ng Bureau of Customs (BOC) na nahigitan nila ang kanilang target collections nitong buwan ng Enero, 2023.

Ayon sa BOC na umabot sa P70.327 bilyon ang kabuuang kita nila na mas mataas sa target na P62.911-B o mayroong 11.79% na pagtaas o katumbas ng P7.415-B.

Nahigitan din nila ng 20.53% ang koleksyon o mas mataas na P11.98-B ang kinita noong Enero 2022.

Isa sa itinuturing nilang dahilan ng malaking kita ay dahil sa pinaigting na kampanya laban sa smuggling at pagtitiyak ng mahigpit na pagkulekta ng mga dapat na babayarin.