Nagtatag ng isang platform ang Bureau of Customs (BOC) laban sa anumang uri ng fraudulence.
Sa isang statement ay sinabi ng BOC na inilunsad nito na ang Liquidation and Billing System (LBS) sa buong bansa upang i-audit ang mga post-entry transactions ng mga shipments at agad na ma-detect ang mga pandaraya.
Ang LBS ay isang web portal na bukod sa pag o-audit at evaluate ng mga post-entry transactions ay epektibong tinutukoy at ipinapaalam din nito sa mga consignee ang mga penalties, multa, at iba pang charges na dapat nang makolekta.
Samantala, sinabi ni Customs Commissioner Rey Leonardo Guerrero na patuloy na ino-automate ng BoC ang mga sistema at proseso nito habang humaharap ito sa pagiging modernized customs administration.
Tinutulungan ng system ang mga tauhan ng LBD sa proseso ng Post Release Adjustment (PRA) sa pamamagitan ng pagbibigay ng interface para sa pagsuri at pag-verify ng correctnes of value, classification, at computation of duties and taxes, bukod pa sa iba pang mga charges.
Habang ang LBS naman ay nagbibigay-daan sa mga gumagamit nito na subaybayan ang mga koleksyon o pagbabalik ng mga tungkulin at buwis, kung kinakailangan.