-- Advertisements --
Muling pinaalala ng Bureau of Customs (BOC) na walang buwis na babayaran ang mga balikbayan boxes na ipinadala ng mga overseas Filipino workers (OFW).
Ayon sa ahensya na ang mga uuwi at magbabakasyon ng mga OFW sa bansa na may dalang balikbayan boxes ay hindi na sisingilin ng anumang buwis.
Nakasaad ito sa Customs Modernization and Tariff Act (CMTA).
Nararapat lamang na ipakita ng mga OFW ang kanilang valide passports mula sa Department of Foreign Affairs (DFA) para sa maikonsiderang Qualified Filipinos While Abroad (QFWA).
Mayroon din dapat silang sertipikasyon mula sa Department of Labor and Employment (DOLE) o Philippine Overseas Employment Administration (POEA).