-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Nagsama-sama ang mga Barangay Nutrition Scholars ng Kabacan Cotabato upang tanggapin ang kanilang honorarium.

Ayon kay Kabacan Mayor Herlo P. Guzman, Jr. nais nitong maging makabuluhan ang kanilang muling pagsasama.

Pinasalamatan din nito ang kanilang serbisyo sa mamamayan ng bayan.

Namahagi naman ng kaunting karagdagang allowance si ABC President Evangeline Pascua-Guzman. Aniya, nawa’y makadagdag tulong ang kaunting allowance sabay nitong siniguro na nakahanda ang bawat kapitan ng dalawamput apat na barangay na mag-abot ng tulong sa mga volunteers tulad ng mga BNS.

Samantala, maliban sa allowances tumanggap din ng 25kilos bigas ang bawat BNS.