Hindi raw dapat ihinto ng Senate blue ribbon committee ang kanilang imbestigasyon sa sugar “fiasco” hanggat hindi pa humaharap si Executive Secretary Victor Rodriguez sa panel par sa cross examination.
Sinabi ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III na kailangan umanong ma-cross examine muna si Rodriguez kaugnay ng kanyang ibinigay na testimonya.
Karapatan daw ito ng bawat miyembro ng ng komite at para na rin sa pagiging patas sa kanyang mga nabanggit sa kanyang testimonya na mayrong negatibong epekto.
Ang pahayag ni Pimentel ay kasunod na rin ng naging statement ni Senate blue ribbon chairman Francis Tolentino na posibleng lumiban ulit si Rodriguez sa susunod na pagdnig dahi sa conflict sa kanyang schedule.
Ipinaliwanag ni Rodriguez na magpo-focus ito sa paghahanda sa nalalapit na overseas trips ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Nakatakda kasi itong bumisita sa ndonesia at Singapore sa susunod na linggo at sa Estados Unidos naman sa mga susunod na araw.
Sa sulat ng opisyal, sinabi nitong nasagot na rin daw niya ang katanungan ng mga senador kaugnay ng pag-iisyu g Sugar Order 4 na tumutukoy sa pagpayag sa importation ng 300,000 metric tons ng asukal sa bansa.
Sinabi ni Rodriguez na ang resolution ay na-draft lamang at hindi naman daw nag-materialize.
Kaisa rin daw ito ng Senado sa pagtugon sa isyu ng corruption.
Una rito, kinuwestiyon din ni Senator Risa Hontiveros ang hindi na pagdalo ng executive secretary sa mga pagdinig.