-- Advertisements --

Sinopla ni ACT-Teachers party-list Rep. Eric Yap ang isang blogger matapos na punain nito ang pagpapangalan sa kanya ng isang laboratoryo sa Benguet.

Sa budget briefing ng Office of the President, sinagot ni Yap ang alegasyon ng blogger na si Jover Laurio ng Pinoy Ako Blog sa kanyang Facebook page kung saan kinuwestiyon nito ang pagpapangalan ng Molecular Biology Laboratory ng Benguet General Hospital sa naturang kongresista.

Inamin ni Yap na nagbigay siya ng pera para sa nasabing laboratoryo pero wala raw siyang alam na sa kanya ipapangalan ito.

Sa katunayan nga, noong nalaman niya ang patungkol dito ay kaagad daw niyang kinausap ang head ng Benguet General Hospital para pakiusapan na tanggalin ang kanyang pangalan.

Bagama’t kinatawan ng ACT-CIS party-list si Yap, tumatayo rin siya bilang caretaker ng probinsya ng Benguet matapos na pumanaw ang dating kinatawan nito na si Nestor Fongwan noong Disyembre 2019.