-- Advertisements --
Nasa Poland ngayon si US Secretary of State Antony Blinken para makipagpulong sa mga opisyal doon.
Pinuri nito ang Poland dahil sa pagtulong nito sa mga refugee na lumilikas palabas ng Ukraine.
Sa kasalukuyan kasi ay aabot sa mahigit 10,000 na mga sundalo ng US ang nasa Poland.
Umaabot na rin sa mahigit 1.5 milyon na mga refugee mula sa Ukraine ang nasa Poland ngayon.