-- Advertisements --

Binigyang linaw ni US Secretary of State Antony Blinken na hindi nila inuudyukan ang Iran sa anumang giyera.

Sa kaniyang talumpati sa pagpupulong sa United Nations, nais lamang linawin na walang intensyon ang US na udyukan ang Iran dahil malinaw aniya na tila ginagatungan pa ng nasabing bansa ang pautuloy na kaguluhan sa Israel at Hamas Militants.

Hindi aniya masisisi ang US sakaling madamay sa kaguluhan ang kanilang mamamayan kaya kanila itong ipagtatanggol.

Nais lamang ng US na dapat maging neutral ang Iran at huwag ng makisawsaw sa kaguluhan sa Israel at Hamas.