-- Advertisements --

Surpresang bumisita sa Niger si US Secretary of State Antony Blinken.

Ito ang makasaysayang pagbisita ni Blinken dahil siya lamang ang unang secretary of state mula sa US na nakabisita sa Niger.

Ang nasabing pagbisita ay para mapaigting ang samahan ng US at West African country.

Sa buwan din ng Disyembre ay magsasagawa si US President Joe Biden ng US-Africa Leaders Summit para mapalago pa ang ugnayan nila sa nasabing kontinente.