-- Advertisements --
Inanunsiyo ni US Secretary of State Antony Blinken ang $700 milyon na drawdown o ibinawas na mga armas at kagamitang pandigma sa Ukraine.
Ito na ang pang-11 na bahagi ng $40 bilyon na karagdagang inilaan ng US sa Ukraine mula ng lusubin sila ng Russia.
Sinabi nito na ang military assistance nila sa Ukraine ay para mapalakas nito ang soberanya at ang pagtanggol nito sa kaniyang teritoryo.
Nagtagumpay aniya lamang ang Russia sa pamamagitan ng pagdamay sa mga sibilyan at pagsira sa mga agrikultura ng Ukraine ganun din ang pagbabanta nito ng food crisis.
Pagtitiyak nito na handa ang US at kanilang kaalyado na tulungan ang US.