-- Advertisements --

Patuloy pa ring gagamitin ng Department of Education (DepEd) ang blended learning sa bansa para sa susunod na school year.

Ayon kay DepEd Secretary Leonor Briones na hindi parin aalisin ang blended learning sa kabila ng paghihikayat sa lahat ng public at private schools na magsagawa na ng in-person classes para sa school year 2022-2023.

Paliwanag ni Briones na mahalaga ang ambag ng blended learning lalo na sa teknolohiya, komunikasyon at sa digitalization sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Bagamat iginiit din ni Briones na mahalaga ang face to face classes para sa social development ng mga mag-aaral at kailangan din ng direct guidance mula sa mga guro.

Maalala noong Lunes, May 30, hinimok ni Briones ang lahat ng paaralan sa bansa para magsagawa ng in-person classes para sa SY 2022 -2023 subalit nilinaw ni DepED Undersecretary Diosdado San Antonio target pa rin ng kagawaran na ipatupad ang blended set up kung saan ang paraan ng pagtuturo ay isasagawa sa pamamgitan ng electronic at online media platform gayundin sa pamamagitan ng face to face learning.