-- Advertisements --
Inanunsiyo ng singer na si Gwen Stefani na engaged na ito sa nobyong singer na si Blake Shelton.
Sa kaniyang Instagram, nagpost ito ng larawan nila ng country music artist habang suot ang engagement ring.
Binati naman sila ng kapwa singer at mga Hollywood star sa ginawang anunsiyo.
Mahigit limang taon ng magkarelasyon ang dalawa mula ng magsama bilang judge sa isang reality singing show.