Nagpakitang gilas sa kanyang debut si Blake Griffin bilang bagong miyembro sa isa sa powerhouse team sa NBA, ang Brooklyn Nets nang talunin nila ang Washington Wizards, 113-106.
Nakuha ng Nets sa Pistons si Griffin sa pamamagitan ng trade upang palakasin pa ang kanilang line up.
Ito ay kahit kabilang na sa Brooklyn ang mga All-Stars na sina Kevin Durant, Kyrie Irving at James Harden.
Noong una bago ang laro kanina, wala pang kasiguraduhan na ipapasok si Griffin dahil sa kuwestyunable pa ito.
Umabot lamang ng kinse minutos sa court si Griffin at nagtapos sa two points at two rebounds.
Gayundin nag-dunk ito na sinasabing una niyang nagawa mula pa noong Disyembre ng taong 2019.
Dinala nina Kyrie Irving na may 28 points at James Harden na nagbusto ng 28 points ang Nets sa ika-29 nilang panalo.
Ang Wizards naman ay nasadlak lalo sa 15-26 record.