-- Advertisements --
Tinambakan ng Blackwater ang Converge 103-84 sa nagpapatuloy na PBA Commissioner’s Cup.
Pinangunahan ng kanilang import na si Chris Ortiz ang panalo ng Blackwater ng magtala ito ng 21 points, 11 rebounds, anim na assists, tatlong steals at dalawang blocks sa laro ng ginanap sa Philsport Arena sa Pasig City.
Ito ang unang panalo ng Blackwater sa kanilang bagong coach na si Jeffrey Cariaso.
Tinanghal na player of the game naman si Rey Suerte na mayroong 12 points, anim na rebounds at limang assists.
Mula sa simula ay hindi na pinalamang ng Blackwater ang Converge kung saan umabot pa sa 27 points ang kanilang kalamangan.