-- Advertisements --
Tinalo ng Blackwater ang Phoenix Super LPG 97-85 sa nagpapatuloy na PBA Commissioner’s Cup na ginanap sa Mall of Asia Arena.
Bumida sa panalo ng Bossings si Baser Amer na nagtala ng 24 points habang mayroong 17 points ang kanilang import na si Cameron Krutwig.
Nag-ambag naman ng 15 points at walong rebound si Rey Suerte at 12 points naman ang naitala ni Rashawn McCarthy.
Nasayang naman ang naitalang 28 points at 28 rebounds si Phoemix import Kaleb Wesson.