Agad isinalang sa inquest proceedings sa Pasay City Prosecutors Office ang isang opisyal ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) dahil sa umano’y panggagahasa nito sa isang lesbian noong Enero 16, 2021.
Humaharap ang suspek na si BJMP Sr. Insp. Ramon Padolina Carolino ng kasong rape sa ilalim ng Article 266 ng Revised Penal Code.
Ang biktima ay isang 26 year old lesbian.
Ayon kay NBI Officer-In-Charge (OIC) Eric B. Distor, ang suspek ay kinilalang si BJMP Sr. Insp. Ramon Padolina Carolino habang ang biktima ay isang 26 year old lesbian.
Sinabi ng biktima na dakong alas-5:30 na madaling araw noong Enero 16, matapos umano ang drinking session sa kanilang boarding house sa Pasay City, binantaan at tinakot umano siya ni Carolino na mayroon itong nalalaman tungkol sa kanya.
Base sa Medico-Genitalia examination na isinagawa sa biktima at base sa preliminary report ng NBI-Medico Legal Division (NBI-MLD), mayroon umanong lacerations/injuries sa ari ng biktima.
Agad namang nagsagawa ng hot pursuit operation ang NBI.
Dakong alas-3:00 ng pareho ring araw, agad nagtungo ang NBI-TFAID operatives kasama ang complainant at NBI-Forensic Chemistry Division (NBI-FCD) officers sa 1957 Leveriza, Pasay City.
Agad namang naaresto ang suspek.
Narekober namn ni Brgy. Kagawad Romeo Crisostomo Casanova at NBI-FCD ang boxer shorts, bed sheet ni Carolino, pillow case, blanket at bed sheet ng biktima na mayroong blood stains at body fluids.
Kinuha naman ang mga ito para sa chemical analysis na isasagawa ng NBI-FCD.