-- Advertisements --

Nakatutok ngayon ang Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa pagpapaayos ng mga jail facilities para magkaroon ng sapat na ventilations ang mga persons deprived of liberty.

Sinabi ni BJMP Acting chief Superintendent Ruel Rivera, na tinitiyak nito na nagiging maayos ang mga pasilidad.

Ilan sa mga inihalimbawa nito ay ang pagkakaroon ng sapat na suplay ng tubig ang kabuuang 478 jail facility sa bansa para hindi magkaroon ng sakit ang mga inmates ngayong panahon ng tag-init.

Isa kasi sa nagiging problema ng BJMP ay ang pagsisiksikan na nagreresulta sa pagkakahawa ng sakit.